11/23/04

More on Bakit Bughaw ang Langit? (Why is the Sky Blue? 1981)

From Pinoyexchange:

May dalawang eksena akong nagustuhan talaga sa Bakit Bughaw dahil kitang-kita rito ang kakaibang "mata" ni Ate Guy. 'Yung eksenang nagkakagulo sa labas ng apartment nila Bobby, sumilip si Babette sabay tapon ng tingin kay Bobby na kasalukuyang abalang kumakain. Kita sa mata niya 'yung magkahalong tuwa at awa dahil sa kawalang-malay ni Bobby sa mga nangyayari sa paligid niya. Pangalawa ay 'yung last frame ng pelikula na mula sa pagkakaiwan sa kanya ng pamilya niya sa kabilang kalye, biglang pihit si Babette at rehistro sa mata at mukha niya ang tagumpay niya sa sitwasyon. The confidence was really there. Sabi nga ni Direk Mario, kakaiba ang pelikulang ito sa typecasted api-apihan role ni Ate Guy dahil si Babette ay natutong manindigan at magdesisyon para sa sarili niya.... Hay, napakaganda talaga ng pelikulang ito.....

(I especially liked two scenes from Bakit Bughaw because they show us Guy's (Nora Aunor's) unique gaze.

The scene where there's chaos outside Bobby's apartment, and Babette looks in and sees Bobby in side, eating peacefully. You can see from her eyes the mixture of delight and pity because Bobby is so unaware of what goes on around him.

The second is the last frame of the film where her family is across the street, about to leave, and you suddenly see the triumph register in Babette's eyes and face. The confidence was really there. "Direk" Mario said the film is so different from the usual typcasted martyr roles Guy played because Babette learned to fight for and decide for herself.

It's such a lovely film!)

No comments: